Tips before you buy gadgets online
Tips para sa gusto bumili ng Cellphone
Marami ng FAKE na nagkalat ngayon at karamihan SAMSUNG PHONES. Dial *#0*# dapat may lalabas na LCD TEST. If wala, FAKE. (May mga instances na kapag naka-custom rom walang lcd test na lalabas. Off niyo yung phone then HOLD POWER+HOME+VOLUME DOWN BUTTON, dapat papasok sa Odin Mode, if wala fake.)
(Karamihan ng FAKE ay galing KOREA, kapag galing Korea dapat may Antenna. If wala, fake.)
1. Kung bibili kayo ng Cellphone at wala kayong budget, yung bilin niyo Android OS. Lahat ng need mong application, madodownload mo. And ang UI niya maganda pa hindi boring. Dahil ang presyo ng Android Devices ay nagrange from 3-40k. Maraming pagpipilian. Unlike ng iOS/WP8, Mahal ang mga presyo at onti lang ang pagpipilian.
#So far, cheapest bang for the buck phone ay CHERRY MOBILE FLARE. 3,999 lang yun. Ang specs niya pang 10k+ phone kaso ang panget dito ay ang build quality. Expect niyo na bumigay yan in a year. Worst is less than a year.
2. If malaki budget mo sa phone, eto magandang pagpilian; Android Phones, Windows Phone 8, iPhones, Blackberry Phones.
Sa Android Phones, madaling macustomize, 450,000 Apps to choose from, Maraming brands ang pagpipilian. No need to root para makapaginstall ng cracked apps. Ang downside lang is prone to malware and lags.
Sa Windows Phone 8, live tiles (nasa tiles(menu) mismo ang mga updates ng fb,message,emails, etc), smooth interface, 100,000 Apps to choose from. Eyecandy interface. SOCIAL INTEGRATED/Skype,FB,Twitter etc. Ang downside lang ay super restricted ng OS. Pati paginstall ng cracked apps bawal. Haha!
Sa iPhone, 650,000 Apps to choose from, always first sa mga narerelease na apps at minsan exclusive lang for iPhone/iOS Device. Super smooth interface. U cant feel lagness sa pagbrowse etc. Easy to jailbreak para makapaginstall ng cracked apps. Super elegant and great build quality. Ang downside lang ay maliit ang screen. Tagal magrelease ng bago.
Sa Blackberry, Onti lang mga apps. Madaming themes na mapagpipilian. The best sa messaging, emails, social. Masarap magtext kasi nga qwerty keypad. Elegant and great build quality. Pinakamurang data plan! Ang downside lang is walang mga games na matino, etc. Kasi nga more on business....
3. Sa ngayon iOS at Android ang naglalaban interms of application na madodownload. Humahabol na din ang WP7/8. Sa Blackberry naman, mejo kapos pa :) Looking forward sa BB10 this year :)
iOS Apps: 700,000+
Android Apps: 700,000+
WP7/8 Apps: 120,000+
4. If gusto mo ng Blackberry, dapat nakahanda ka na sa BB Plan. If wala kang pera pang plan, wag ka na magBB dahil USELESS ang Blackberry kapag di ka nakaPLAN. Anyway its a BUSINESS PHONE naman kasi. If wala kang business edi wag ka mag BB! Hindi mo magagamit ang pinaka main features ng BB.
5. Never ever buy a phone with Symbian S60 OS Below. So oldies and boring. If pang back up phone lang hanap niyo, then go! The best dahil matagal battery life :) And pede kay lolo't lola :)
6. If ang hanap mo ay Camera Phone. Piliin mo ay yung Auto Focus na at hindi Fixed Focus.
And dapat Dual Led Flash or Xenon Flash.
Magandang camera phone na piliin ay NOKIA N8 sa budget na 8k below at NOKIA PUREVIEW 808 sa budget na 18k+
Sa ngayon Nokia Pureview 808 ang may pinakamagandang camera phone sa lahat ng smartphone.
7. If brand naman ang hanap mo, dapat stick ka lang sa mga brand na to NOKIA, APPLE, SAMSUNG, HTC,SONY ERICSSON, BLACKBERRY LG, MOTOROLA. Take note: Mura nga mga binebenta ng wala jan sa list, pero tingnan mo naman ang quality. Mukhang refurbished.
8. If gusto mo sensitive ang pagtouch sa touchscreen phone, Capacitive touchscreen ang bilin mo. Hindi Resistive touchscreen. Ang resistive ay ang sinaunang touchscreen pa. Ginagamitan ng Kuko/Stylus. Ang Capacitive ay ang bagong touchscreen. Thumb na ang ginagamit at mas sensitive.
9. Never ever buy a phone without OS (Operating System). Especially if smart phone ang hanap mo.
10. 3G ay nakakapagboost ng network speed (2G) (Dapat naka activate na ang GPRS and may load ka or nakaplan kung gusto mo magnet) Same with 4G.
11. Never ever buy an iPhone if wala ka namang iTunes. Haha!
12. Buy an iPhone if gusto mo Application and Games and games and games and games and games. Not if hardware specs ang gusto mo. Like camera, sounds larger screen etc.
13. Mahal ang iPhone kasi anim lang ang Model ng iPhone. Unlike ng nokia, samsung, htc, motorola, sony ericsson, blackberry, etc. Ang daming mga nilalabas na cellphone. Kaya bilis mag depreciate.
14. Kung nagtataka kayo kung bakit Android ang magandang bilin, dahil maganda talaga sya. May Facebook chat, video call sa ym, skype, homescreen, live wallpapers, widgets, 3d games like sims 3, angry birds. Etc..
Ganun din naman ang WP8 or iOS kaso mahal ang mga phones na yun. E ang Android, hanggang 4k kayang makabili!
15. If sa pagiging itsura ng Android UI/Interface naman, mas okay sakin ang HTC. Ganda kasi ng HTC Sense. And type ko ang camera quality ng HTC at design ng phone mas mukang elegant. (#htcone)
#Speaking of elegant design, isama mo narin ang Sony. Ganda ng mga design ng Sony. Like Sony Xperia S, Sony Xperia Ray, Xperia Z. Unlike ng Samsung, mukang cheap ang phone. (Dahil sa build quality na pure plastic at puro buttons pa sa harap. Tsk! At ang daming clone ng Samsung. Mukha talagang orig..)
For example Samsung Galaxy S 3 And HTC Butterfly, mas maganda itsura ng HTC Butterfly. muka lang cheap tingnan talaga ang SGS3 at ang dami din clone ng Samsung ngayon na same as orig narin, pati Touchwiz gayang-gaya..
16. If bibili ka ng Samsung Phone, Dial *#0*# for LCD Test at Hardware test.
Madami na nagkalat na FAKE/CLONE ng Samsung at mukhang ORIGINAL talaga! Kapag sinabi sayo galing korea, dapat may antenna kasi anycall yun. If wala, FAKE! Beware sa mga modus ngayon na nagbebenta fake/clone phones. Ako muntik na mabiktima. Buti may alam ako.
17. Huwag ng bumili ng iPhone 2G at 3G kasi Phase out na. At hindi na magkakafuture updates sa Apple. Di narin makakapagplay ng bagong games/application. And karamihan mahina na ang battery life at marami ng defects like deadpixel, stuckpixel, no wifi, etc. 3-4 years na ang mga phone na yan. Kaya 3GS or iPhone 4/4S/5 nalang ang bilin niyo kapag iPhone ang bibilin niyo.
18. If gusto mong bilin ay iPhone 5, mas marerecommend ko sayo ang Galaxy S 4/Sony Xperia Z/HTC One. Ang lamang lng ng iPhone 5 ay App and Games w/c is makukuha mo nmn sa iPod Touch or Lower iPhone Models. Pero kung icocompare mo sila sa SGS4/Xperia Z/HTC One, talong talo talaga ang iP5 (Hardware Specs/Features). Panalo lang talaga ang iP5 sa pagkasmooth ng UI, no LAG at ang pagkaoptimized ng mga apps. And syempre, premium build quality pati accessories. (If hindi ka naman masyadong techie at text and call and apps lang, iPhone 5 ka na.)
19. If gusto mo ay smooth ang interface ng Cellphone mo, mag iPhone ka or Windows Phone 7/8 Phone. Dahil hindi mo mafeel dun ang lag. Ang Android kasi naglalag yan.
20. Huwag mong icompare ang TABLET sa CELLPHONE! Magkaiba sila. For example iPad 4 or iPhone 5? Ang tamang sagot jan ay GET BOTH!
21. Huwag mong icompare ang Blackberry sa Android/iOS/WP7/WP8 Phones. Kasi ang BB more on business yan. Like emails, messaging, social etc. Kaya nga nakita niyo QWERTY Keypad ang mga yan. At mura ang Data Plan jan sa Blackberry. E ang Android/iOS/WP7 makakapagtext ka ba ng mabilis? Hindi! Dun palang magkaiba na. Touchscreen sa Qwerty.
22. Android Tablet or iPad?
For me iPad. Why? 200k+ na ang Apps ang optimized for iPad. Hindi tulad ng sa Android ang onti. Yun ang lamang ng iPad. E diba sa iPad ang hanap mo lang naman jan ay APPS/GAMES? Maenjoy mo ba ang tablet if karamihan ng apps ay hindi pa optimized at mejo pixelated pa? Syempre hindi. And interms of battery life, lamang ang iPad compare sa other Android Tablets. And ang maganda pa sa iPad ay minsan lang magLAG or madalang lang. Unlike ng Android Tablet, lalo na kapag puno na ng apps, wagas sa pagLAG. Hindi mo pa meenjoy ang pinakamemory ng Android Tablet, di tulad ng sa iPad, yung 16GB kain na kain talaga nun ang memory ng games,apps,music,videos.